Sir David had a chance to interview the Philippine Representative to Japan for the World Ragnarok Championship 2009.
Team Influenza made a stunning performance by achieving 2nd place at the just concluded RWC 2009.
Sir David: David Lleno from Pinoy Gaming.net, state your name, occupation, and favorite color.
Team Influenza: Ah, Ryan, and I’m the ano daw… seryoso ba ‘yan? *Sir David chuckles* the brand manager of Ragnarok Online. Favorite color is ahm.. ano ba maganda? Pink, ah fuchsia, pero hindi ko alam spelling kaya red na lang hahaha.
SirDavid: Maraming mga Ragnarokers ang nagsabi na baka masira ang Ragnarok pagkatapos ng renewal.. ano ang masasabi mo doon?
Team Influenza: Masisira in the sense na mababago siya, ‘yung parang old Ragnarok, so basically para siyang magkakaroon ng “overhaul”, may 12 new jobs na madadagdag. Basically masisira in a sense na yung mga dating builds, yung dating mga ano natin sa Ragnarok is mababago siya. Yung mga stats yung upgrade level, diba ngayon hanggang +10, pero abangan n iyo nalang, abangan niyo nalang sa renewal *laughs* hindi ko muna sasabihin kung hanggang ilang ‘yun overups.
Sir David: Marami ang nagsasabi na marami sa mga bagong class na malalakas ngayon eh mas lalakas pa pero problema, iga-grind na naman..
problema ba ‘yon?
Team Influenza: Actually, ‘yung mga Filipino gamers, hindi nila problema ‘yon. Alam mo naman ang dahilan, kasi ‘yung grinding satin madali lang. Kaso ‘pag nahuli kayo, pasensya po, pero maba-ban ‘yan, ‘yung mga ano, ‘yung mga naga-grind na ano ba mga ‘yon? Mga B-O-T! Anyways, andito na ‘yung Team Philippines…
[nggallery id=4]Sir David: Andito na ‘yung Team Philippines? I’m from Pinoy Gaming.net, a Pinoy gaming network.. Interviewin lang namin kayo. ‘Yung interview namin is random questions – puro kalokohan, kasi Pinoy gamers naman tayong lahat eh.
Ryan: Kung ilan naba ‘yung anak nila?
Sir David: Oo, pwede ‘yon. Oh, heto unang tanong. ‘Pag naglalaro ba kayo, pinapalaro nyo ba ang inyong 12 year old na pinsan na hindi marunong mag-type? Alam nyo kung ano ‘yon?
Team Influenza: ano? *all laugh* ah, gets ko na ‘yung tanong.. gets ko na. Hinde, hindi naglalaro hahaha…
Sir David: Na-gets mo na? Ngayon mo lang na-gets ha hahaha.. Okay, pangalawang question.. okay nab a ‘yung Japan? Ano masasabi nyo sa Japan?
Team Influenza: Panot pa rin ang Hapon sa Japan *laugh*. As in team Japan, or ‘yung Japan mismo?
Sir David: ‘Yung Japan mismo, ‘yung bansa.
Team Influenza: ‘Yung bansa? Malinis masyado. Disiplinado sila. Tsaka magagalang ‘yung mga tao doon. Naiwanan nga nya ‘yung bag nya sa bench ng ilang minutes, walang kumukuha eh. Nandoon pa ‘din, walang kumukuha.
Sir David: Ahm.. bilang Pilipino, ano ang masasabi nyo sa performance nyo doon sa Ragnarok World Championship?
Team Influenza: World-class! *all chorus ‘World-class’ then chuckles* Ah alam ko na.. performance namin is world-class second placer. *all laugh*
Sir David: Magandang sagot ‘yan! Next year ba may plano kayo mag-world champion?
Team Influenza: Oo naman, lahat naman eh! Oo naman!
Sir David: May pag-asa ba kayo? *grins*
Team Influenza: Sana! Hahahaha!
Sir David: Gusto kong malaman reaction nyo ‘dun sa bagong Ragnarok Renewal.. ano sa tingin nyo mangyayari?
Team Influenza: ‘Dun sa renewal? Bagong build.. ‘yung 3rd job.. bagong strategy, scratch lahat.. bagong line-up.. bago lahat.
Sir David: Itutuloy nyo pa din ba ‘yung laro kahit 150 na ‘yung level cap?
Team Influenza: Oo naman! Mas exciting! ‘Yung pinsan kong 12 year old, excited na siya mag-150! Hahaha!
Sir David: Sa susunod na Ragnarok World Championships, ano ‘yung gusto nyo maidagdag at maibawas?
Team Influenza: Bawas timbang. *all laugh* Dagdag premyo.
Sir David: Ano ba nakuha nyong premyo?
Team Influenza: Seven thousand dollars. Hahaha!
Sir David: Kung wala kayong bot, at gusto nyo magpalevel, ano gagawin nyo?
Team Influenza: ‘Yung mga bodyguard na ano.. ‘yung mga mercenary. Tapos ‘yung mga scroll na pampataas ng EXP..ipapalaro ko sa pinsan kong 12 years old
Sir David: … na di marunong mag type?
Team Influenza: uu yung di marunong mag type.
Sir David: Ano gusto niyong maidagdag sa Ragnarok na nakikita niyo sa ibang MMO?
Team Influenza: Players, tournaments. Ok naman siya ngayon marami lang talaga nagsawa. Tsaka matagal na, matagal na ang Ragnarok.
Sir David: Kung ang alaga niyong hayop ay natutong magRagnarok, ano job niya?
Team Influenza: Pet parin *tawanan* puede ring awing homunculus, bio(chemist) madali lang magbio, isa lang pinipindot eh *tawanan*
Sir David: May masasabi ba kayo sa mga nagbabasa ng pinoygaming network?
Team Influenza: Masasabi lang naming aim high parati. Keep playing, keep playing! At Rok on! *tawanan*